alam ko naman swerte ako sa trabaho ko kahit madalas puro whining ang nababasa nyo sa blog na to. but really, love ko naman work ko (kaya nga andito pa din ako), ma-reklamo lang talaga ako by nature ;-) … isa sa pinaka love ko is the opportunity to travel! ang last stop ko? seoul!
super super super excited ako nung papunta ako dun. start ng winter nun. malamigin na tao ako, pero kinaya ko naman sya. wala kasing snow nun. plus mahilig ako sobra sa korea-nobela
madami akong kilalang korean artist sa kakanood ng mga korea-nobela na yan.
pag land palang ng plane, ang mata ko hindi na mapakali. paglabas ko ng airport to wait for the shuttle bus on the way sa hotel, grabe ang lamig nga! -2degrees daw nun eh. so… ayun ang taba ko na nga nag-add pa ng 4 more lbs ang ga suot ko.
so ano ba ang top 5 things i like about seoul?
1. korean way of dining

of course isa sa mga gusto kong gawin is to try a reastaurant na uupo kami sa sahig while eating – korean way of dining nga. pati ang paggamit namin n chopsticks at spoon authentic. luckily andun sa seoul mga dating officemates ko, so meron akong mga pinoys na kasama
2. korean food



needless to say paborito ko ang grilled meat nila that you wrap in lettuce tapos kakainin with kimchi and other grilled vegetables. yummy! i ate this 3x while i was there! mahilig ang koreans sa vegetables kaya ang gaganda ng kutis nila. tapos you can request for more leaves kung naubusan na kayo.
ang flavored milk na yan is a treasure find sa isa sa mga convenient store nila. naka 4 or limang container ata ako (pero plastic ang container na to, sad… sad…). chestnut and moccachino flavored milk? try it and sarap! i miss it already….
3. mga dahon na nahulog na sa puno


diba nga first time ko, so i was really amazed with these fallen leaves. hindi basura ang tingin ko sa kanina unlike dito sa atin ( i will start to look at it differently na rin). some were colored brown, some were red, and ito naman yellow
the first time i saw them was the early morning ride ko to the office. ganda!
4. korean celebrities

siguro kasi addict ako dati (mmmm siguro until now) sa mga korea nobelas dito sa pilipinas. so kilala ko sila halos lahat
kahit nga sa mga souvenir shops meron ako kasabay na singaporean kids at ang binili nilang souvenirs eh yung meron mga print ng mukha ng mga to. hehehe… at… for the first time, na enjoy ko ang local channel ng city in the hotel i’m staying. as in kahit hindi ko sila naiintindihan, parang alam ko din sinasabi nila
5. lettuce flowers/leaves/plants (kung ano man sya…)



first time i saw them, i thought flower of some kind. then i saw them again and again… i removed my gloves and touched them… lettuce sya, crisp and fresh! parang ang sarap kainin no?
———–
madami pa ko gusto i-add pero in another post nalang. pag sinipag