warning : very looooooooong post ito.
philippine daily inquirer ngayon 23.12.08…

interesting editorial cartoon. why is santa crying? yup. si santa na icon ng generosity at gift giving. umiiyak? with all the crisis and recession talk sa kahit ano nalang means of media ngayon, sino nga namang hindi maiiyak.
but this is the season of giving and the season to remember what the best gift still is — giving the way the baby jesus was given to us… oo meron crisis and oo kailangan natin mag plano para sa future at kailangan nating maging practical and economical. pero lahat naman tayo eh gumagawa ng paraan para makapag-celebrate pa rin ng pasko diba?
My favorite story from mama still remain the same :
Noon daw sa isang barrio, naniniwala ang mga tao na tuwing hating gabi ng pasko ang mga tao sa bayan ay pumipila sa altar para alay ng “pinakamagandang regalo” para sa bambino…

![]()
photo from flicker
sabi-sabi kasi na kapag inihandog ang pinaka magandang regalo sa altar ng simbahan, ay maririnig ang pinaka magandang tunog ng mga kampana, walang iabng tunog na tulad nito – napaka ganda at nagbibigay ng hindi mapantayang kaligayan sa kung sino man makarinig nito. sinasabing matagal na ng huling marinig ang tunog na ito, ilang henerasyon na ang nakakalipas. taon-taon, madami ang nag-aalay, pero taon-taon, nag-iintay ang lahat at walang tunog na naririnig.
pangarap din noon ng 9 na taon na si pedro (hindi ito yung pangalan, nalimutan ko na kasi), na mag alay din para sa bambino. ang tatay nya ay nag-ta-trabaho lang sa isang construction site at ngayon eh, tumutulong lang ke nanay magtinda. halos wala na rin silang kainin ng bunso nyang kapatid. kaya naman sila rin nag titinda na ng sampaguita sa kalye para makadagdag pambili ng pagkain. pero dahil gusto ni pedro na mag-alay din sa bambino, taon-taon ay pinaplano nya ito. noong isang taon, nagsimba sya kasama ang mga nanay nya at nag-abang din sa pagtunong ng mga kampana.
kaya naman inipon nya ngayong taon ang ibang kinikita nya sa pagtinda ng sampaguita. nag-ipon sya at nagtipid, meron na syang isang daan! tuwang tuwa sya. makakapila na rin sya sa mga mag-aalay ke bambino. pero, noong umaga bago mag simba, nakita nya ang nanay nyang umiiyak, me lagnat ang bunso nila at kulang pambili ng gamot. dali dali nyang kinuha ang isang daan at iniabot sa nanay, kailangan bumili ng gamot para sa bunso. pero ayaw tanggapin iyon ni nanay dahil alam nyang para sa bambino ito… sabi ni pedro — “maiintindihan nya inay, meron ako ditong piso, iyon ang iaalay natin.”
sa simbahan matapos ang misa, pumila ang mga mag aalay sa bambino. meron isang matandang lalaki na nag alay ng isang basket na ginto… nag-intay ang lahat, ngunit walang narinig, meron nag-alay ng isang malambot na puting tela pambalot o saplot ng bambino, merong nagbigay ng lechon, prutas at kung ano-ano pa. si pedro ang huling pumila, noong una ay ayaw na sana niya, pero pinilit sya ng nanay nya. sinabi ni nanay – ”para sa kanya yan, kaya dapat lang ialay mo kahit gaano kaliit.”
noong sya na ang mag-aalay, inilapag niya ang piso sa tabi ng bambino, lumuhod at nagpasalamat dahil gumaling na ang bunso nila. pagtayo niya… narinig ang tunog ng tila isang daan na kampana… napaka-ganda nito, bawat isa ay naiyak ng marinig ito at buong simbahan at lumapit sa kanya para magpasalamat. ito ang pinaka-magandang regalo na natanggap ng bambino! kinuha ng pari ang lahat ng regalo na inialay sa bambino at binigay ke pedro. sabi ng pari — “dahil ikaw ang me pinaka magandang regalo sa kanya, nais nyang ibigay ang lahat ng ito sa iyo.” ….
hindi mahalaga kung ano ang ibinigay… if it comes from the heart, it is worth everything. a related story gifts of loves is a must read too.
sabi ko naman diba mahaba…






