many years ago, noong bata pa ako favorite akong kwentuhan ni papa ng kung anu ano. syempre ako naman, kasi bilib na bilib sa kanya at overwhelmed as attention na binibigay nya (busy kasi papa ko nun sa pagkayod para sa future ng mga bibong anak)… attentive ako at naniniwala sa lahat ng sinasabi nya. as years passby (minsan ha hindi pa inabot ng one year) na realize ko din na hindi lahat ng sinasabi nya totoo… meron iba e results lang ng kanyang vivid imagination at makulay na story telling.
tanda ko pa kaya kung anu ano ang mga yun… pero eto ang top 5…
1. nabulag dahil sa kape
umaga… nilalabanan ko nun ang sobrang antok pa, umiinom ako ng kape nun (take note, bata palang caffeine addict na ko…) sa tasa at nakasawsaw pa din ang kutsara na pinanghalo ko.
papa : naku… alam mo ba na meron nabulag dahil sa kape?
ako (nagising bigla, natakot dahil ayokong mabulag) : ha….. papano?
papa : kasi pag-inom nya ng kape nya na nakasawsaw pa rin ang kutsara, natusok nung kutsara ang mata nya, ayun nabulag. kaya alisin mo yang kutsara kung iinom ka na sa tasa.
kaya naman pala… (whew! safe ako…)
2. ang taga-sisid
nanonood ng basketball si papa nun at titig na titig sa tv. ako naman nasa malapit sa tabi nya gumagawa ng assignment.
ako : papa, ano bang ginagawa mo sa trabaho pag pumapasok ka? assignment namin eh… what does your father do?
deadma si papa. titig pa din sa tv.
anak : pa? ano na?
papa : ha?
ako : what does your father do daw? (sabay turo sa notebook)
papa (titig pa rin sa tv) : isulat mo dyan sumisisid ako sa langis.
natulala ako. kawawa naman si papa! papano nya ginagawa yun? madulas ang langis. papano sya aahon? hindi sya makakahawak sa kahit ano dahil puro langis sya. dudulas yun at baka malunod sya!
so, pumunta ako ke mama at kinukwento ang sinabi ni papa. tinanong ko kung papano sya umaahon.
mama : ano?! sumisisid sa langis? walang gumagawa nun. wag ka maniwala sa papa mo. ilagay mo dyan – my father is a refinery engineer.
ah…
3. ang toothache
nasa sulok ako at umiiyak… pero quietly ha, mahinhin ako nung bata eh. nilapitan ako ni papa at inakay papuntang sofa.
papa : masakit pa rin ngipin mo?
ako : opo.
papa : o sige, kukunin ko na yung sakit para maka kain ka na ha?
ako : ha? sige.
nilagay nya kamay nya sa pisngi ko, kunwari bumulong bulong tapos kunwari meron kinuha sa pisngi ko nilagay sa bibig nya at nilunok.
papa (todo acting sya) : aray.. aray… ang sakit ng ngipin ko! o ayan ha, kinuha ko na yung sakit. aray… aray… masakit pa ngipin mo?
ako (naaawa na ke papa dahil mukhang namimilipit na sya sa sakit ng ngipin) : ah…. hindi na po.
papa : ok! o tara kain ka na.
pero actually, masakit pa rin ngipin ko. hindi ko lang masabi sa kanya na hindi umipekto ang magic nya.
4. ang siling labuyo
me pagka-bully nun ang ate ko… tapos ako naman utu-uto. so nung nasa garden kami, lumapit kami sa halaman na siling labuyo namin. sabi nya masarap daw yun, so pumitas ako at kinain (matakaw din ako nun eh). so ayun, cry-me-a-river na naman ang drama ko.
masakit na ulo ni papa nun kakaiyak ko. so…
papa : o eto, kumain ka ng friend chicken mawawala ang anghang nyan.
kain naman ako… maanghang pa din.
papa : eto, sugar mawawala na yan. sige na.
kain ako sugar… huhuhu… maanghang pa din!
papa : inom ka ng tubig, mawawala na talaga yan. totoo na to.
susme! isang pitsel na nainom ko maanghang pa din! ano ba!!! inuuto na naman ako ng papa ko…
![]()
5. baby
magandang baby kasi nun ang ate ko ang ang bunso namin. cute na cute! kaya naman ang dami nilang pictures. ako, sabi ni papa…
papa : naku, kung nakita mo itsura mo nung baby ka. ang pangit mo. bilog na bilog ka, pulang pula ang mukha mo. yung pisngi mo natatabunan ang ilong mo. para kang ensaymada. hahahaha!!!
kaya siguro 4 or 5 lang ang baby pictures ko sa bahay… pero minsan narinig ko sya kausap ang tita nya na lola namin.
papa : tingnan mo yung pangalawa ko. kamukha ni inang. kuhang kuha nya ang hugis ng mukha.
eh sabi nya sa akin dati maganda daw si lola
![]()

pero kahit unti unti ko nadidiscover kaya nya ko favorite kwentuhan kasi ako ang pinaka gullible sa aming magkakapatid. isa akong certified papa’s girl






